menu-iconlogo
logo

Darating Ka Din (feat. Breezy Boyz & Girlz)

logo
Lyrics
Pagkatapos ng ulan, kasunod ng pagsikat ng araw

Ang tubig sa batis malinaw, hindi masalim gumugunaw

Ng mundo, alam kong pinapaikot ng husto

Yan ang dahilan kung bat nahulog sayo

Ni minsan hindi sumagi sa isip kung meron bang panaginip

Na salungat sa pag-ihip ng hangin, sinisilip

Ang bukas na kasama, pinagsama, tinadhana, tinakda na

Pinagpala, mahiwaga, ginambala ng mga anghel at pinana

Ang puso tila ba'y tagusan, abot hanggang langit lubusan

Kong pinagpapasalamat at mamahalin ka nang walang hanggan

Sumpaang ikaw lamang ang

Magdidilig ng pusong natuyo dahil sa init ng nakaraan

Pangako ko sabay tayong tatanda

Mangangarap at susulat ng akda

Na minsan may tunay na pag-ibig na ibinigay

Hanggang sa araw na malagutan ng hininga, hawak kamay, hawak kamay

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

Ang araw na yon, alam kong tinadhana

Tayong dalawa, alam kong tinakda na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

At kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Darating Ka Din, alam kong hindi mo ko kayang biguin

Isigaw mong ikaw ay atat na din

Na ako'y makapiling, makasiping at sasabihin mo rin sakin

Pag nakita na tayo muntik ng maubusan ng hangin

Na dumadaloy dyan sa puso mong laging

Hinahanap ang kanyang kabiyak

Ganyan na ganyan din ang

Pakiramdam ko, nakakabuang

Kakahintay kahit na alam kong Darating Ka Rin

Hindi mapigilan ang puso ko'y nagsusumamo

Hahanapin kita san man dako

Hindi na makapaghintay

Na ikaw ay ibigay sakin ng langit

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

Ang araw na yon, alam kong tinadhana

Tayong dalawa, alam kong tinakda na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

At kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Hey, nakatingin lang ako sa kalangitan

Kasabay ng paghiling ko sa talang ako'y pagbigyan

Makasama ang babaeng matagal ko nang pinangarap

Makayakap, mahagkan, matagal ng hinahanap-hanap

Mahirapan man ako sa una'y kakayanin ko

Basta alam ko san patungo tanging dyan sa puso mo

Naghihintay sa pagdating dalawang kamay ko'y naka-unat

Handang yakapin ng mahigpit, sopresa ko sayong gugulat

At buksan ang 'yong mata't isipin mo ako

Na may nagmamahal sayong tunay, tapat at totoo

Hindi mahihigitan ng kahit na sino

Malamang ipagtanggol pa kita kahit kanino

Palagi kong dalangin sa Diyos ay tanging ikaw

Kahit sa pagtulog kung pwede ko lang isigaw

Iniisip ko araw-araw, Darating Ka Rin

Hindi man ngayon pero alam ko Darating Ka Rin, diba

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

Ang araw na yon, alam kong tinadhana

Tayong dalawa, alam kong tinakda na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

At kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Sa pagdating ng panahon, hindi ko man hintayin ka

At magbalik dating kislap sa mata

Ngiti saking mga labi

Kagalaka'y hindi kunwari. hindi kunwari

Kung darating man ang sandaling

Huminto ang oras ikaw at ako ang natira

Mahahanap kita mahahanap kita

Sa kalye na nagdurugtong sating

Dalawa, simula nung unang buhay kang nakilala

Marahil, ikaw ang paru-paro na dumadapo sa akin

Darating Ka Rin hindi ko man hintayin

May dahilan bawat bagay at hindi nagmamadali

Na makapiling ka, Darating Ka Rin sa tamang panahon na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

Ang araw na yon, alam kong tinadhana

Tayong dalawa, alam kong tinakda na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

At kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Tanging nais ko lang ay mahalin ka, mahalin ka

Mahalin ka, mahalin ka tapos dadalhin ka

Sa kahit saan pang simbahan

Pagkat ikaw ang nagsilbing ilaw ng ako ay naligaw noon

Hindi ka bumitaw sa pangako na kala ko'y natapon

Kasabay ng mga luhang naidulot ko sayo

Ngunit kahit ga'no man tayo katagal nagkahiwalay

Ikaw at ako pa rin kahit tangayin man ng hangin

Ang mga salitang binitawan natin non

Na ngayon nagpapatunay na may tamang panahon at tayo yon

Dalawang pusong itinakda upang maging isa

Hindi na kailangan pang mangamba

Pagkat walang balakid na pwedeng humarang laban sa

Pagmamahalan natin

Magkasalo tayo sa pagmamahal

Tayo man ay nasa langit na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

Ang araw na yon, alam kong tinadhana

Tayong dalawa, alam kong tinakda na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

At kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

Ang araw na yon, alam kong tinadhana

Tayong dalawa, alam kong tinakda na

Darating Ka Din hindi ko man hintayin

At kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Ikaw at ako

Pa rin ang magsasama sa dulo

Darating Ka Din (feat. Breezy Boyz & Girlz) by JEBeats - Lyrics & Covers