menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Sana Di Na Lang- Dello

-JM2-huatong
+-+-+-+huatong
Lyrics
Recordings
Sana Di Na Lang

-Ayoko ng isipin, ayoko ng sapitin

Ako na 'yong alipin at ayoko ng pilitin

Pa sayo, dapat kong ituloy na ang paglayo.

Biktima nitong tadhana natin na mapaglaro.

-Dahil kung titignan sa titig lang para bang nabibiglang

Naiwan tulala ng dahil lamang sa pagibig lang...

Di na mapagbibigyan at yon ang masakit

Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit

-Sa napiling mahalin ay bakit ba sayo pa nga ba?

At ang Dellong mainipin pagdating sayo mahaba ang pasensya

At nagti-tiyagang nag aabang kahit ilang

Beses ng pinagmumukhang tanga't hibang,

nagbibilang

-Ng aking pagkakataon, pero bat nagkaganon

Mahal kita, mahal mo sya, nagtataka't nagtatanong

Kung bakit ka naging tanga para lang maloko nya

Ako naman ang mas tanga dahil kahit ayoko na

-Nagbabalik parin at ako sayo'y palagi

Pero di ka naman sakin kailanman di maaari

Sakin ikaw ang reyna, di naman ako ang hari.

Kung alam ko lang nung una di na sana 'to nangyari...

-Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap

Ng ibang dapat ibigin di na sana ako hirap

Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon

Na maiinlab pala ko kaagad sa isang iglap...

Sana di na lang...

Di na sana kita nakilala,

Di na sana ako lumapit...

Di na sana kita nakilala,

Di na sana ako nagdurusa ng

Dahil lang sayo...

-Sana ay nung umpisa hindi na tayo nagtabi

Kaya ngayon ay alanganin napaibig mo kasi

At naging kabado na ko kahit di pa nagkape

Umaasta na ayos kahit na hindi naman kami...

-Sana di ka napayuhan tungkol sa mga Ex

Sana wala akong cellphone para di ka nakatext

Nung in-add kita sa facebook sana di mo in-accept

Ngayon sarili ko bakit ba hindi ko masagip...

-Sana di na umalalay sayo sa pagtawid

Pagpunta mo sa Cavite, sana di na naghatid

At ang aking nahawakan sana di sayong kamay

Kaya ako'y nahihirapan pagkat di ngayon sanay

-Na wala ka sa tabi, parang wala sa katinuan

Sana di na uminom para di ka nakainuman

Sana di na naglasing para di naging praning

Na kahit magpakasabog sitwasyon ganun parin...

-Na ako'y isang alalay na laging nakasunod

Na kahit ka pa nakalugay o kahit nakapusod...

Maganda ka parin sa paningin at palihim nakatingin

Sayo mula umaga, tanghali, hanggang sa gabihin...

-Mahirap na tong gawin kahit na ipikit

Ang mga mata. bakit ba ang puso ang kulit

Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait

Sana di ka minahal dahil ang sakit...

Di na sana kita nakilala,

Di na sana ako lumapit...

Di na sana kita nakilala,

Di na sana ako nagdurusa ng

Dahil lang sayo...

-Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sakin

Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging satin

Kung pwede lang na ang nadarama 'toy palipatin

Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin

-Ang pag kakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw

Kung kailan di na pwede at kailangan ko ng bumitaw

Sa pag-asa ng pagibig na hapdi ang dinala

Kasi mahal kita ng sobra... sana di nalang pala.

More From -JM2-

See alllogo

You May Like