menu-iconlogo
huatong
huatong
joema-lauriano-crisostomo-cover-image

Crisostomo

Joema Laurianohuatong
shabbirbaighuatong
Lyrics
Recordings
Bakit kailangan pang mabuhay ni Jose Rizal

Para lang isulat ang istorya nating dalawa?

Eh, mayro'n naman tayong sariling mga pahina

Puwede 'yon pagdugtungin at gawin nating nobela

'Di na kailangang pang istorbohin yung na kay G

'Lika nga sa tabi ko, reverse Noli Me Tangere

Ako yung Crisostomo Ibarra mo, binibini

At tanging kay Maria Clara lang ang aking mga ngiti

'Di totoong mestisa hanap-hanap ko

'Di mo ba kilala ang iyong Crisostomo?

'La akong pake sa tsinitang mestisa

Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina

Baka puwede ka na maging Misis Ibarra

Tayo mismo gagawa ng panibago nating nobela

Gagawin ko ang lahat, oh, aking Maria Clara

Walang kinatatakutan po ang inyong Ibarra

Kahit sinong kolonisador ay haharangin ko

Ultimo bala ni Padre Salvi, ako sasalo

Ano binibini, G? Bawal ka nang tumanggi

Rebisahin natin ang lumang Noli Me Tangere

Sorry Doctor Jose P., ito'y bagong HEKASI

Gagawa kami ng bagong 'storya na pang history

'Di totoong mestisa hanap-hanap ko

'Di mo ba kilala ang iyong Crisostomo?

'La akong pake sa tsinitang mestisa

Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina

Baka puwede ka na maging Misis Ibarra

Tayo mismo gagawa ng panibago nating nobela

'Di lang 'to basta-basta isang kanta

Ito'y liham ng panliligaw kay Maria Clara

Sana'y maabot ng tulang ito ang puso mo (ang puso mo), ang puso mo (ang puso mo)

Para malaman mong ikaw lang talaga ang aking gusto, oh-oh

'La akong pake sa tsinitang mestisa

Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina

Baka puwede ka na maging Misis Ibarra

Tayo mismo gagawa

'La akong pake sa tsinitang mestisa

Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina

Baka puwede ka na maging Misis Ibarra

Tayo mismo gagawa ng panibago nating nobela

More From Joema Lauriano

See alllogo

You May Like