Verse 1
'Di alam kung epektibo pa ang gan'tong paraan
'Yung tipong haharanahin ka sa ilalim ng buwan
'Di naman kasi ako 'yung taong merong sasakyan
Tanging bitbit ay gitara at ang nararamdaman
Pagbuksan mo sana ng pintuan, oh, aking sinta
May dala akong pagkain, peram lang ng kutsara
Sana'y tanggapin mo't pagsaluhan nating dalawa
Magkwentuhan at tawanan hanggang na mag-umaga
Pre-Chorus
Oo, simple lang ang pamamaraan ko
'Di ko nga rin alam kung pasado
Chorus
Basta't ako 'yung manliligaw na meron lang dalang lugaw
Tatlong rosas at gitara, handa nang dumala
Kung gusto mo din ng isaw kaya kitang ipag-ihaw
Simple lang ako manligaw, inspirasyon ko'y ikaw