San ka natatakot 
Lungkot ba o pagod 
Buhay ay pareho lang naman ng dahilan 
Bigyan mo ng patas wala ng babalik 
Lahat ng bagay na iyong mamahalin 
Nasa dulo ang ibabalik sayo lahat sakit 
Lagi na lang 
Lagi na lang 
Lang hiyang pag ibig yan laging hapdi nalang ang natitira yeah 
Para bang hindi pag bibigyan 
Gusto sawi ka lang yeah 
Kung pupwede lang na ibalik muli yung dati 
Aking hihilingin sa mga bituin yung dati 
San ka natatakot kung kapag napapagod na 
O kapag nabalot na ng lungkot ang mata 
O maiwan nalang sa pagitan ng mga 
Katanungan na ang kasagutan ay alam mo na 
Pero hindi mo kaya 
Hindi 
Hindi 
Hindi ko kaya 
Lagi na lang 
Lagi na lang 
Lahat ng aking paninda 
Kailan ko ba to ininda 
Para lang mapagbigyan ka 
Pero ganon parin 
Nag sinungaling 
Ang galing galing 
Alam ko na'ng tawag sakin 
Di na kailangan pang ulitin 
Tanga uto-uto 
Lakad sige yuko 
Kahit na wala kang hahanapin 
Kasalanan ko ba kung ako'y nahulog lang 
Dumudugo hayaan mo na 
Dahil yan ay bubog lang wo-oh 
Ayaw ko sanang gawin ng ganito ang aking mga pakay 
Pero parang damit mong isinuot na hindi bagay 
Tila haligi sa bahay na pinutakti ng anay 
O batang-bata dalagang walang awa na hinalay 
Pag ibig ko na inalay 
Dinura pagkatapos kainin at lunukin ang mga katas 
Sige silipin ang likod ako lang ang 
Tanging bukod kahit lahat ay manood 
Kasi nakabukas 
Ka lagi sa lahat ng bibili 
Bakit di mo naisip na iningatan kita kahit na ano 
Man ang daanan harangan kailangang ilaban walang hangganan 
Hintayan ang pagmamahal ko sayo 
Parang bukid na uhaw sa tubig ng ilang buwan pag hindi nadiligan 
Ay di na pwedeng taniman 
Gaano ba kahayok ang mga laman na tigang 
Pinipilit maalala kailan ka nahalikan 
San ka natatakot 
Lungkot ba o pagod 
Buhay ay pareho lang naman ng dahilan 
Bigyan mo ng patas wala ng babalik 
Lahat ng bagay na iyong mamahalin 
Nasa dulo ang ibabalik sayo lahat sakit 
Lagi na lang 
Lagi na lang