Pagsapit ng gabi laging inaabangan
Liwanag ng buwan
Ngayon ay nasaan ang kalayaang mag-isip
Mag-isip ng kung ano
'Di tungkol sa 'yo
'Di tungkol sa 'yo
Ako'y nangako sa sarili
Na 'di na iisipin pa
Ngunit ikaw pa rin ang nasisilayan
'Pag pinikit ko ang mata
Sa 'king pagtulog ikaw ang laging nandyan
Sa panaginip 'di ka mawala
'Di ka mawala
Pagsapit ng umaga laging inaabangan
Bagong umaga na walang nag-iba
Ikaw pa rin ang hinahanap malayo ang tingin
Ako'y gising na nangarap nakatulala sa hangin
Ako'y nangako sa sarili
Na 'di na iisipin pa
Ngunit ikaw pa rin ang nasisilayan
'Pag pinikit ko ang mata
Sa 'king paggising ikaw ang laging nandyan
Sa isip ko 'di ka mawala
'Di ka mawala
Sa 'king pagtulog ikaw ang laging nandyan
Sa panaginip 'di ka mawala
'Di ka mawala
Panaginip lamang ba
Tayo'y magsasama
Panaginip lamang ba oh
Tayo'y magsasama oh
Panaginip lamang ba oh
Tayo'y magsasama oh
Panaginip lamang ba oh
Tayo'y magsasama oh