No'ng ako ay iwan mo gumunaw ang daigdig 
Pagka't tanging sa 'yo lamang ang aking pag- ibig 
Ngunit sa pagdaan sa paglipas ng taon 
Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom 
'Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik 
Ang idlip na damdamin ang puso kong natinik 
Ang tamis ng pagsinta at init ng halik 
Ang ibig madama 'di man umiimik 
Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik 
'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik 
Kung saka- sakali man akin na nang mabatid 
Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik 

'Di ko kayang pigilin ang sigaw nitong damdamin 
Labis man akong sinaktan ikaw pa rin ang aking mahal hoh 