Kung sa puso mo
ay hindi maiwasan
Ang pagdalaw nitong mga kalungkutan
Iyong alalahaning may
Amang mapagmahal
Laging nakamasid
Laging nakabantay
H'wag kang mabalisa
sa anumang bagay
sa Ama ay ilapit
iyong Kahilingan
Sambahin, purihin,
pasalamatan
'Pagkat Siyang mag iingat
ng puso mo't isipan
H'wag padadaig
kahit nalulumbay
Ang pag asang taglay
ay iyong ingatan
Ang dalisay na aral
iyong panghawakan
Ikaw ay may Dios
na madadaingan
H'wag kang mabalisa
sa anumang bagay
sa Ama ay ilapit
iyong Kahilingan
Sambahin, purihin,
pasalamatan
'Pagkat Siyang mag iingat
ng puso mo't isipan
Iyong ilagak
ang pagtitiwala
Sa kaniya kumapit
Siya ang gagawa
Kung ika'y nangangamba
at puso'y nanghihina
Kaniyang nalalaman
ang iyong pagluha
H'wag kang mabalisa
sa anumang bagay
sa Ama ay ilapit
iyong Kahilingan
Sambahin, purihin,
pasalamatan
'Pagkat Siyang mag iingat
ng puso mo't isip..
H'wag kang mabalisa
sa anumang bagay
sa Ama ay ilapit
iyong Kahilingan
Sambahin, purihin,
pasalamatan
'Pagkat Siyang mag iingat
ng puso mo't isipan
Ang Dios ay pagibig
lubhang mapagmahal
Ang di mo masabi'y
Siya ang may alam
salamat po sa Dios