Buhay ng buhay ko
Dulot ko sa 'yo
Buong puso ko
Awit, pakinggan mo
Hayaang ako'y
Magtapat sayo
Aking minamahal
Lagi kong dasal
Bawat isip at bawat
Pintig ng puso mo'y akin
Bawat pintig ng puso mo'y akin
Tanging pangarap ko'y
Ang sabihin mong ako'y Mahal mo..
ANG PAG IBIG KONG ITO
Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
Yan ay ayokong kanyang malaman
Mga araw na nagdaan
Kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan
Ang pagibig kong ito
Luha nag tanging nakamit buhat sayo
Kaya't sa maykapal tuwina'y dalangin ko
Sana'y kapalaran ko ay magbago..
KAILANGAN KITA
Kailangan kita
Kung gaano'y di ko alam
Basta't kailangan kita
Magpakailan pa man
Sakali sinta
Ako'y lisanin mo na
Buhay ko ma't kaluluwa
Ay di na kailangan pa
Bakit ang awit
Ay kailangan ng himig
Na kailangan ng titik
Na kailangan ng tinig
Kailangan kita
Kung gaano'y di ko alam
Basta't kailangan kita
Magpakailan pa man
Sakali sinta
Ako'y lisanin mo na
Buhay ko ma't kaluluwa
Ay di na kailangan pa..