Umasa ka sa diyos, ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.
Ang iyong sarili’y sa diyos mo ilagak,
'pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
Katulad ng araw kung tanghaling tapat.
Umasa ka sa diyos, ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.
Sa harap ng diyos ay pumanatag ka,
Maging matiyagang maghintay sa kanya;
H’wag mong kaiingitan ang gumiginhawa
Sa likong paraan, umunlad man sila.
Umasa ka sa diyos, ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.
At pangarap mo ay makakamtan.