Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong,‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula
sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay lakas.
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong,‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.