San nagsimula ang galit
Damdamin na puno ng sakit
Dami ng tanong puro bakit
Paubaya ko nalang sa langit
Walang magawa
Kundi tanggapin
Mga bagay na
Binato kahit na masakit
Inaayos ko mga daan
Tinanggap ko mga leksyon
Naging matatag na proteksyon
Tanggap ko naman na lahat ng 'to
Ay may hangganan
Gawing sandalan
Mga panandaliang panaginip
Alam ko na ngayon kung bat ako naririto
Aminado na noon palagi na nalilito
Hanggang sa napagtantong
Lahat lahat ng to ay nasa isip lang
Tao lang naman akong merong limitasyon
Kung may pag kakamali man ako ay tanggap ko yon
Pasensya na minsan kung panggap ko yon
Sapagkat ayoko lang makita nyo ang emosyon
Na bumabalot sakin sa twing ako lamang mag isa
Na lumalaban upang sa hamon ay mag patuloy pa
Pero di ko makakaila
Na ako ay napapagod na
Tanggap ko naman na lahat ng 'to
Ay may hangganan
Gawing sandalan
Mga panandaliang panaginip
Alam ko na ngayon kung bat ako naririto
Aminado na noon palagi na nalilito
Hanggang sa napagtantong
Lahat lahat ng to ay nasa isip lang
Tanggap ko naman na lahat ng 'to
Ay may hangganan
Gawing sandalan
Mga panandaliang panaginip
Alam ko na ngayon kung bat ako naririto
Aminado na noon palagi na nalilito
Hanggang sa napagtantong
Lahat lahat ng to ay nasa isip lang