menu-iconlogo
logo

Takot Akong Mawala Ka (feat. Still One)

logo
Lyrics
Sana'y maunawaan mo

Kung bakit kailangan kong itago ang ating pagiibigan

Patawad kung 'di mo maintindihan

Dahil nakilala kita kung kailan kami ay nagsama na

Ngunit sa'yo ko naramdaman ang saya

Nakilala kita nung mga panahong ako'y malungkot

Ang puso koy naghahanap ng kalinga

Pagmamahal ng totoo at walang halong panloloko

Sa kasawiang palad yan ang bagay na hindi nya kayang maibigay

Kaya hinanap ko sa iba

Kahit na alam kong hindi ito tama

Pagibig na mali at pagdama ko ng mga sandali

Baghagyang makuha ko ay ma-karma

Siguro talagang sinadya ng pagkakakataon

Na tayong dalawa'y pagsalubungin

Napamahal ka na sakin, napamahal na din ako sa'yo

Wala akong magagawa kung hindi suungin

Ang ating pagiibigan na kahit pagtawid 'di ko masagip na

Makuha ang kaligayahan na dinala mo sa 'king buhay

Mula nung ika'y dumating minahal mo ko ng tunay

Hindi kagaya ng babaeng pinili kong makasama

Na di binigyang halaga ang aking pagibig at pag-aalala

Pagod na kong tiisin ang sakit

Nagsawa na ko sa walang katapusan kong pagpapakatanga

Gusto ko lang dumalo sa ligaya

At sa 'di inaasahang pagkakataon nakilala kita

Sa taglay mong kagandahan at linis ng kalooban

Ang puso ko ay sumigla hindi ko maitanggi na mahal na nga kita

Sana maunawaan mo kailangan nating itago

Kung ano mang namamagitan 'di nating pwedeng madaliin

'Wag kang mag-alala dahil kahit anong mangyari

'Di naman kita iiwan kahit kami ang magkasama sa gabi pag-ibig

Sa kanya hindi ko na nadarama kaya ipanatag mo na ang iyong kalooban

Dahil dito saking puso ay mas matimbang ka na

Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin

Kaya minabuti ko na lamang na ilihim

Ang namamagitan sa ating dalawa

Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin

Ako'y naguguluhan at hindi mapakali

Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami

'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi

Ayoko humantong sa punto na mawala ka sa akin

'Di bale nang ilihim ko na may nauna na sa'yo

Pagkat ang puso natin ay nag-iisa

Ni hindi mo pwedeng diktahan ang nilalaman

Huwag sisihin kung bakit isa sa umakit

Ang pag-ibig

Kahit nauna na siya

Pasensya na

'Di ko man maamin na ika'y minamahal ko

Pinaparamdam ko naman

Sa t'wing kasama kita 'di ko maipaliwanag

Ang saya na nadarama

Sana nga ikaw nalang

Sana nga ikaw nalang

Ikaw nalang ang aking katabi

Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin

Kaya minabuti ko na lamang na ilihim

Ang namamagitan sa ating dalawa

Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin

Ako'y naguguluhan at hindi mapakali

Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami

'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi

Paano ko ba sasabihin sayong may nauna na

Ngunit ang aming relasyon tila napakalbo na

Dahil 'di ko sa kanya naranasang lumigaya

Ang puso ko'y sinasaktan niya

Hinanap ko ang kaligayahan

Nakita ko't 'di ko inaasahan

Ikaw na pala ang magpapasaya

Sa aking pusong nalulumbay

Ngunit kailangan nating itago

Ano mang mangyari mahal nakahanda ako

Ipaglalaban kita

Kaya 'wag kang mangangamba

Dahil kahit sino man ang humadlang

Sa ating dalawa'y hindi ko papayagan

Dahil mahal kita

Nangangamba 'kong ikaw ay mawala

Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin

Kaya aking inilihim

Dahil 'pag nalaman mo, aayaw ka

Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin

Kaya minabuti ko na lamang na ilihim

Ang namamagitan sa ating dalawa

Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin

Ako'y naguguluhan at hindi mapakali

Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami

'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi

Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin

Ako'y naguguluhan at hindi mapakali

Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami

'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi