Alam ko na
Ramdam ko na
Na mang iiwan ka
Halata naman sa kilos mo
Ang pagbabago mo
Pwede bang sabihin mo na
Di na ako ang laman ng puso mo
Kahit pa na sabihin kong akin ka
May pagkukulang ba ako
Binigay naman sayo
Kahit sakin walang matira
Ganito pala ka sakit na unti-unti
Kang nanlalamig
Ayaw ko man marinig
Di na ako ang pintig
Ng damdamin mo
Pwede bang aminin mo
Kung hindi na ako
Sana'y mag ingat ka
Kung hindi na ako
Wag kang mag alala
Basta't tandaan mo lang palagi na
Mahal na mahal kita
CHORUS:
Pag hindi na ako
Ipangako mo na lagi kang mag-iingat
Sana'y ingatan, alagaan ka niya
Kung paano kita binigyang halaga
At kung hindi na ako
At wala ng lugar sa puso mo
Kung meron ka ng iba handa akong magparaya
Basta't makita lang kita na masaya
2nd Verse:
Di ko na maramdaman
Mga yakap mo't halik
Tila lahat ng to'y pilit
At sakin ay hindi kana nananabik
Pwede bang sabihin
kung ayaw mo na sakin
Para hindi na ako mahirapan pa
Alam ko namang iiwan ka
Iniisip ko palang parang di ko na kaya
Pag sa'kin nawala ka, pag sabihing hindi na
Ako ang gusto mong makasama
Tila wala na talagang pag-asa
Kung hindi na ako
Sana'y ingatan ka niya
Kung hindi na ako
Wag kang magpabaya
Wag kalang niyang saktan dahil kailanman hindi ko yon ginawa
CHORUS:
Pag hindi na ako
Ipangako mo na lagi kang mag-iingat
Sana'y ingatan, alagaan ka niya
Kung paano kita binigyang halaga
At kung hindi na ako
At wala ng lugar sa puso mo
Kung meron ka ng iba handa kong magparaya
Basta't makita lang kita na masaya
Mahal
3rd Verse:
Mahal,pwede ba akong humiling
Na kahit hindi na totoo ang yong lambing
Kahit isang yakap ulit
Na nagtatanggal ng sakit
Kahit ito'y pilit, kahit na mapait
At mag isa nalang akong kumakapit
Mag iingat ka
Kung san ka magpunta
Tandaan mo lang palagi na mahal kita
Kung saan ka masaya
Hahayaan kita
Kahit ang dahilan nito ay pagkadurog pa
Wag kang mag alala
okay na ako basta't okay ka
Pero pag sinaktan ka lang niya
Babawiin kita, dahil sakin ka naman diba
CHORUS:
Pag hindi na ako
Ipangako mo na lagi kang mag-iingat
Sana'y ingatan, alagaan ka niya
Kung paano kita binigyang halaga
At kung hindi na ako
At wala ng lugar sa puso mo
Kung meron ka ng iba handa akong magparaya
Basta't makita lang kita na masaya
Mahal (2x)