Marahil nga'y kay sarap maidlip
at muling magising
lalo't kung ito'y sa Kanyang
muling pag babalik
Tunay ngang kay sarap
kung Sya'y makakapiling
sa kanyang pagdating
Nang malubos ang galak, malakip
sa Kanyang muling paghahari
dito ang pagluha'y mapaparam
at maglalaho mga kalungkutan
at hahalinhan ng ganap nakaligayahan
May isang sumpang binitiwan
na kahit kailan ma'y hindi
tatalikuran
Batid ko ang magbata at magtiis
ay di maiiwasan upang pangako
Mo'y aking makamtan
Chorus:
Kaya't sa tuwina nadarama ang pagasa
Sa malawak mong langit
yaring ulo'y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina'y nanganganlong
at may pagtitiwala sa Iyo
Mga ala-ala sa puso'y aking babaunin
kung marating ang langit
kung tahanan na paraisong pinapangarap
Pagkat nais kong masilayan
Makapiling ka sa ligayang wagas
at ang hapis ay isa nlng nakalipas
May isang sumpang binitiwan
na kahit kailan ma'y hindi
tatalikuran
Batid ko ang magbata at magtiis
ay di maiiwasan upang pangako
Mo'y aking makamtan
Chorus:
Kaya't sa tuwina nadarama ang pagasa
Sa malawak mong langit
yaring ulo'y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina'y nanganganlong
at may pagtitiwala sa Iyo
Bridge:
Bawat pagluha ay aariing yaman
Bawat pait saklap ay aariing tamis
Bawat alimura'y aaring puri
Pagkat puso at dadamin ay may kapayapaan
Chorus:
Kaya't sa tuwina nadarama ang pagasa
Sa malawak mong langit
yaring ulo'y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina'y nanganganlong
at may pagtitiwala sa Iyo
Ikaw ang tanging nalalabing
PAG-ASA