Tulala sa isang gabi at 'di mapakali
Ating nakaraan, minumuni muni
'Di lubos maisip bakit nagkalayo
Kaya ngayon ako'y isang bigo
Nagkulang ba ako sa iyo?
Kaya tayo ngayo'y nagkalayo
Walang nagawang kasalanan
Kundi ang magmahal sa iyo nang lubusan
Ako'y may natutunan sa 'king karanasan
Mali ang magmahal agad nang lubusan
Pigilan ang damdamin kung kailangan
Upang 'di masaktan kung ika'y iiwanan
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay siya pa'ng nililisan?
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay siya pa'ng nililisan?
Ako'y may natutunan sa 'king karanasan
Mali ang magmahal agad nang lubusan
Pigilan ang damdamin kung kailangan
Upang 'di masaktan kung ika'y iiwanan
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay siya pa'ng nililisan
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako'y iyong iwanan?
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay siya pa'ng nililisan?
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?
Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?