menu-iconlogo
logo

Anu Man Ang Sabihin Nila (feat. Abaddon)

logo
Lyrics
Aking mahal, pwede bang 'wag mo na silang pansinin?

'Di na man natin sila masisisi kung ano ang gusto nila sa'ting sabihin

Ako ma'y nasasaktan din, 'di ko lang maamin

Kaya mas mabuting patatagin na lamang natin ang ating relasyon

'Wag na natin pakinggan ang mga bulong-bulong ng mga tao sa paligid

Kahit na 'di katotohanan ay sasambitin

Lahat ay gagawin nila upang tayong dalawa ay paghiwalayin

Kaya sa'kin mahal ay kumapit

'Wag kang aayaw, humawak ka lang sa'king kamay, 'wag kang bibitaw

Kahit masakit na tuloy lang tayo at laban lang

Sabay natin salubungin ang mga balakid na humahadlang

Sa pagmamahalan natin ay walang makakasira

Ano man ang sabihin nila, ayos lang

Mapipigilan ba natin sila, 'di naman

Kapalaran ang nagtakda

Gumawa kung ano mang mayro'n tayo

Ingatan natin ang isa't isa, ingatan natin

Ingatan natin, ingatan natin ang isa't isa

May nakapagsabi sa'kin, 'di ka raw bagay sa'kin

Ang sakit sa damdamin, ano bang pake mo?

Kung anong mayro'n sa'min at 'di ka naman namin ginugulo

Ano bang problema mo?

Pwedeng 'wag nyo na munang husgahan ang aking kasintahan?

'Di nyo naman sya kilala at wala naman kayong alam

Kundi ang manghusga na lang at kung anumang sabihin nila

'Wag nalang nating pakinggan

Ang mas mahalaga ay 'yung okey tayong dalawa

At hindi nila tayo kayang paghiwalayin

Dahil para sa'kin, ikaw lang ang paniniwalaan ko

Ano man ang sabihin nila, ayos lang

Mapipigilan ba natin sila, 'di naman

Kapalaran ang nagtakda

Gumawa kung ano mang mayro'n tayo

Ingatan natin ang isa't isa, ingatan natin

Ingatan natin, ingatan natin ang isa't isa

Ingatan natin

Napakasarap isipin na pwede palang gumawa ng mundo

Na tayo lang dalawa ang nakakaalam

Kung saang malayo man tayo sa bawat isa

Alam pa rin natin kung paano hanapin ang pag-ibig na natagpuan

Ano man ang sabihin ng iba, sa'kin ka at ako'y sa 'yo

Tayong dalawa, walang gigiba

Kumapit ka sa'kin at ating pagyayamanin ang mga pagtinginang na nalikha

Kay sarap mangarap na kasama ka't kasama ako sa' yo

Pangarap pagkapiling nating lalakbayin ang mundong malawak

Kahit 'di totoo ang salitang habambuhay

Habang tayo'y nahinga ay sisikapin nating magkahawak

Marami man ang tutol sa ating relasyon

Wala akong pakialam, basta't tayo'y masaya

Palagi man tayong hinahamak, lagi mong tatandaan

Ikaw at ako lang ang s'yang pinakamahalaga't, wala nang iba

Na tayo'y nagdudugtong sa atin ay 'wag mong pabayaang mapigtas

Palagi man tayong nag-aaway, madalas na magkatampuhan

Ako'y sa 'yo at ika'y sa'kin pa rin na s'yang magliligtas

Marami man sila sa ating na napipintas

Halika, yayakapin kita na para isang sintas

Iingatan kita, ikaw ang aking alas

Mahal na mahal kita, 'di ko man laging nabibigkas

Marami mang sabi-sabi, d'yan sa tabi-tabi

Wala akong pake kahit tayo'y husgahan

Basta't magkatabi tayo araw-araw, gabi-gabi

Para sa'kin ay sapat na 'yan

'Wag ka lang bibitaw 'pag may pagsubok sa'tin

Dahil lahat ng ito'y kaya nating malampasan

Kung pakiramdam mo'y kalaban natin ang lahat

Halika sa mundo na tayo lang ang gumawa at may alam

Ano man ang sabihin nila, ayos lang

Mapipigilan ba natin sila, 'di naman

Kapalaran ang nagtakda

Gumawa kung ano mang mayro'n tayo

Ingatan natin ang isa't isa, ingatan natin

Ingatan natin, ingatan natin ang isa't isa

Anu Man Ang Sabihin Nila (feat. Abaddon) by Mhyre/Rhyne/abaddon - Lyrics & Covers