Minsan isang araw
Puso'y napasigaw
Nahulog sa iyo
'Di ko na matanaw
Pangangatwiran ko'y
'Di na mapagkatiwalaan
Umasa sa iyo
'Di na mabibitawan
Na baka sakali lang
'Di na masasaktan
Ngunit pangangatwiran
Mo'y 'di mapagkatiwalaan
Kaya't pipikit na lang
Tagu taguan maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan
Langit ang natanaw
Pangarap ay ikaw
Lupa ang nabigay
'Di nakapaghintay
Sana nagpatintero
At naiwasan ang impyerno
Kaya't pipikit na lang
At baka sakali lang
Tagu taguan maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan
Pagdating sa dulo
Ako'y nasaktan mo
Sinubukang ipaglaban
Sigaw ng puso ko
Ngunit ba't pipilitin
Ang 'di naman para sa akin
Tagu taguan maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan
Tagu taguan maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan
Nung 'di pa naiwan
Nung 'di pa naiwan
Nung 'di pa naiwan
Nung 'di pa naiwan
Nung 'di mo iniwan
Nung 'di mo iniwan
Hmmmmm