menu-iconlogo
logo

Titibo Tibo

logo
Lyrics
Elementary pa lang napapansin na nila

Mga gawi kong parang

hindi pambabae e kasi

Imbes na Chinese garter

laruan ko ay teks at jolens

Tapos ka jamming ko lagi noon

mga sigang lalaki sa amin

Nung ako'y mag high school

ay napabarkada sa mga bi

Curious na babae na

ang hanap din ay babae

Sa halip na makeup kit

bitbit ko ay gitara

Tapos pormahan ko lagi ay long

sleeves na tshirt at faded na lonta

Pero noong nakilala kita

nagbagong bigla ang aking timpla

Natuto ako na magparebond at mag ahit

ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung anong meron ka na

sa akin ay nagpalambot nang bigla

Sinong mag aakalang lalake pala ang

bibihag sa tulad kong tigreng gala

Kahit ako'y titibo tibo

Puso ko ay titibok tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang

at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw araw mong pag ibig

Sa'king buhay nagpapasarap

Nung tayo'y nag college ay saka ko

lamang binigay ang matamis na oo

Sampung buwan mong trinabaho

Sa halip na tsokolate at

tipikal na mga diskarte

Nabihag mo ko sa mga tula

at sa mga kanta mong pabebe

Kaya nga noong makilala kita alam

mo na agad na mayroong himala

Natuto akong magtakong at napadalas

ang pagsuot ng bestidang pula

Pero di mo naman inasam na ako ay

magbabagong tuluyan para patunayang

Walang matigas na tinapay sa

mainit na kape ng iyong pagmamahal

Kahit ako'y titibo tibo

Puso ko ay titibok tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang

at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw araw mong pag ibig

Sa'king buhay

nagpapasarap..

Titibo Tibo by Moira Dela Torre - Lyrics & Covers