menu-iconlogo
logo

Tuwing Umuulan

logo
Lyrics
Pagmasdan ang ulan, unti unting pumapatak

Sa mga halama't mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim, unti unting bumabalot

Sa buong paligid tuwing umuulan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda

Kasabay ng hanging kumakanta

Maaari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?

Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos ng ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan, unti unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na

Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Buhos ng ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Tuwing Umuulan by Moira Dela Torre - Lyrics & Covers