menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Awit ng Paghilom

Müsic/Lyricshuatong
netta38huatong
Lyrics
Recordings
and :

Sassy Angel

ENJOY SINGING

Panginoon ko, hanap hanap Ka ng puso.

Tinig mo’y isang awit: paghilom.

Ang baling ng aking diwa ay sayo.

Huwag nawang pababayaang masiphayo.

Ikaw ang buntong hininga ng buhay.

Dulot mo’y kapayapaan, pag ibig

Panginoon ko, hanap hanap Ka ng puso.

Tinig mo’y isang awit: paghilom.

Ako’y akayin sa daang matuwid.

Huwag nawang pahintulutang mabighani

Sa panandalian at huwad na rilag.

Ikaw ang aking tanging tagapagligtas

Panginoon ko, hanap hanap Ka ng puso.

Tinig mo’y isang awit: paghilom.

Sigwa sa ‘king kalooban, ‘Yong masdan.

Pahupain ang bugso ng kalungkutan.

Yakapin ng buong higpit, ‘Yong anak,

Nang mayakap din ang bayan mong ibig

Panginoon ko, hanap hanap Ka ng puso.

Tinig mo’y isang awit: paghilom.

More From Müsic/Lyrics

See alllogo

You May Like