Ang gusto ko sa lalake
Ay di masyadong malaki
Ang katawan
Type koy payat na malaman
Kahit na sya ay maliit
Bastat mahaba lang
Ang kanyang pasenya
At matigas ang dib dib
Maski di masyadong gwapo
Sa akin sya ay pasado
Kung mayrong begote
Nakakakiliti kase
Ang hilig koy di tisoy
Mas may dating sa akin
Ang balat pinoy
Parang si goma at manoy
Simple lang akong babae
Hanap koy simpleng lalake
Kung di mo gusto ang aking sinasabi
Sorry nalang pare
Ayaw ko ng tambay sa kanto
Taong tahimik at madatung
O sobrang talino
Silay nakakaloko
Humanap ka nalang ng panget
Dahil tiyak na tahimik ang buhay mo
Walang naiingit sayo
Simple lang akong babae
Hanap koy simpleng lalake
Kung di mo gusto ang aking sinasabi
Sorry nalang pare....