menu-iconlogo
logo

Tao Nga Naman

logo
Lyrics
Pakiusap lang

Buksan ang inyong mga mata

Dahil kayo lang

Ang siyang hindi na kaka'kita

Hindi maunawa mga nilalang

Na kung tawagin mga

Tao di mo kilalang

Lubusan at libangan

Mag pabida lang

At pag nilamon ng

Inggit panay hila lang

Pababa prangkahan

Wag ka ng manibago

Sa mga tao pero utak alimango

Manibela ng lipunan

Sila ang kadalasang

Nag mamaneho kaskasero

At madulas ang

Kalsadang baliko

Ng pilit tinatawid

Para uhaw mapatid

Ng kunwaring matuwid

Mag isip at tingin

Sa buhay negosyo

Nakabarong na

Magnanakaw at mala palasyo

Ang mga tahanan

Mga kotse magarbo

Kahit pinaliwanag

Ang datingan malabo

Yumayaman ang mayaman

Naghihirap ang dukha

Dahil marami ang sakim sa

Metal na may mukha Mukha

Pakiusap lang

Buksan ang inyong mga mata

Dahil kayo lang

Ang siyang hindi na kaka'kita

Ang tao nga naman

Daig pa ang may kapansanan

Subukan mo mang tignan

Sarili mo'y di mo na kilala

Ano kahulugan ng tao boy

When you decypher

Tao talagang abuso over

Ka na gugulangan

At di mo kaliwa

Kinuha pa pati kanan

Ginawang kulay abo

Mga bagay na berde

Imbis buto banatin

Puro asa sa swerte

Milagro himala mga

Barahang malapad

Puro guhit ng palad

Pero hindi pinalad

Kasi kulang sa kayod

Panay asa kay bathala

Hindi ka nakulong pero

Mahilig sa bahala

Hindi mo magigising

Ang nag tutulug tulugan

At di mo kayang imulat

Ang nag bubulag bulagan

Mga sala sa lamig

Na nag kasala sa init

Sa pilang binilad sa

Init hilig sumingit

Nag mamarunong

Kahit wala namang alam

Para mag mukhang may

Alam tao gaio naman naman

Pakiusap lang

Buksan ang inyong mga mata

Dahil kayo lang

Ang siyang hindi na kaka'kita

Ang tao nga naman

Daig pa ang may kapansanan

Subukan mo mang tignan

Sarili mo'y di mo na kilala

Binulag ng luho

Madalas di makatao

At bakas sa pag katao

Ng mga pakitang tao

Mga peke na tao

Bulok ugali organic

Non Biodegradable

Pinaglihi sa plastik

Anino sa dilim

Panay ang bulong

Di makausad sa liwanag

Kahit palad may gulong

May mga taong di

Marunong umamin

At pag gipit pati ang

Diyos kayang murahin

Mapagmataas ang

Pang unawang mababa

Kulang sa tiyaga

Kahit ang pisi mahaba

Lahat naka masid

Mga mata nakatutok

Sa iisang hugis na

May tatlong sulok

Bukas na isipan

Kadalasang sarado

Di amoy sariling baho

Kung ilong mo barado

Nakakalungkot ang

Nais kong iparating

Dahil tao ako

Sila at tao ka rin

Pakiusap lang

Buksan ang inyong mga mata

Dahil kayo lang

Ang siyang hindi na kaka'kita

Ang tao nga naman

Daig pa ang may kapansanan

Subukan mo mang tignan

Sarili mo'y di mo na kilala