Agila
Composed/musical sounds NegiZ
Sing:Yen
Tulad ng isang Agila sa kalawakan,
Ang tao ay malayang makalipad saan man.
Kasama ng kanyang mga pangarap sa buhay,
Buong tapang na susuungin mga bagyo ng buhay.
Sa kanyang pakpak na mamanayagpag.
Pananalig sa Panginoon ang kanyang kalasag.
Di mapapagod ang mga pakpak.
Marating lamang ang kanyang pangarap.
Tulad ng Agila, ay maging matatag.
Kahit na sugatan, pattuloy pang lumalaban,
Dahil ang Panginoon kahit kailan nariyan.
Di ka niya iiwanan o papabayaan
Tulad ng agila, masasapawan ang bagyo
Pag sa Lumikha manalig nang buong puso
Sa paglipad ay di mapapagod
Kung may tiyaga sa pagluhod
Tulad ng agila ay makakalipad
Sa mga ulap makakasadsad
Maiwawala lungkot at lumbay
Kung Poong Maykapal ang gawing antabay
Tulad ng agila ay sasagana
Kung gagamitin mga natanggap na biyaya
Kukong pandagit man ay wala
Meron namang kamay at paa