menu-iconlogo
logo

Inumaga(feat. 1096 Gang)

logo
Lyrics
Ugh inumaga na hanggang may mapala

Tingnan mo ideya namin gumagana na

Madapa mada yung dating pakapa kapa

Ngayon ay pasampa sampa yung dating pakaba kaba

Pasensya na kung kailangan namin na mang iwan

Hindi na namin kasalanan ayaw nyo umusad

Pangarap kinilusan sarili pinuhunan

Sarili ang makikinabang sa pinag pawisan

1096 gang kasama namin Omar B

8 beats malupit tenga mo kinalabit

Kaakit akit mga salitang sinasambit

Kapit kapit aral damahin ang aming hagupit

Siksikan ng puso kadalikha

Kilos sa pangarap inuna may mapala

Aral sa dapa tayo at mag gagala

Tuloy lang aming paa hakbang sipag ang dala

Tahimik lang palagi ganto lumagari

Manda at makati galawan hindi mawari

Sining nakatali pusong nakasapi

Tanim dumadami mabuti ang ma aani parati

Tingin nila mga sira

Ayos din abutin tiningala ugh

Sa pag dating tila dami nabigla ohh

'Di ba ang galing kilos tanging simula

Ng pag usad na parang walang katulad

Na parang tinatanaw eh lagpas sa ulap

'Di na kupad kupad ni hindi na 'ngupal

Ligtas na sa kuta andito lang sa gubat

Sa kongkreto na syudad dumidiskarte

Parte binabalanse kaalaman binahagi

Mga nega 'di nabale alam namin dinadale

Ginagawa na namin 'di lang basta sinasabi

Ugh inumaga na hanggang may mapala

Tingnan mo ideya namin gumagana na

Madapa mada yung dating pakapa kapa

Ngayon ay pasampa sampa yung dating pakaba kaba

Pasensya na kung kailangan namin na mang iwan

Hindi na namin kasalanan ayaw nyo umusad

Pangarap kinilusan sarili pinuhunan

Sarili ang makikinabang sa pinag pawisan

Grabe yung pagka sabik ng mga tao

Omar B 1096 sa beat nag salo salo

Mga na imbak na lungkot ay maglalaho

Sa musikang hatid sa isip puso naging klaro

Piliin mo lang kung sino nasa paligid mo

Sipag at tyaga sangkap maabot pangarap mo

Respeto sa sarili itaas mo ang porsyento

Mahirap man ang buhay mananatili kang kalmado

Dami narin nangyari bigat ng karga sa byahe

Binahagi ang bagahe puno ng baka sakali

Kami yung nakisali na merong sinasabi

Itaas ang kapayapaan at musika sa kalye

Pinagpuyatan namin 'gang sa inumaga na

'Di tinatamad kinikilusan at kinakana

'Di pwedeng ngumangawa laging may ginagawa

Grabe yung balik ng mga pawis ko na nawala

Kakabingi lang yung mga bulong

Laging binibilang kada gulong ng mga bulong

Bawal umatras lagi kaming pasulong

Silipin mo sa labas kung gaano umusbong

Ang mga tinanim dinidiligan tapos inani

Inipong inerhiya na mabuti 'gang dumami ng dumami

'Di kayo malilimutan kung sakali

Lagi kang parte na kung ano mangyayari

Ugh inumaga na hanggang may mapala

Tingnan mo ideya namin gumagana na

Madapa mada yung dating pakapa kapa

Ngayon ay pasampa sampa yung dating pakaba kaba

Pasensya na kung kailangan namin na mang iwan

Hindi na namin kasalanan ayaw nyo umusad

Pangarap kinilusan sarili pinuhunan

Sarili ang makikinabang sa pinag pawisan

Wala silang alam paano kami lumaganap

Malayang nilalang walang sino mang may hawak

Aming utak sangkatutak na ideya binato

Pwede kang makisabay kung isa ka sa sumalo

Ng aming ulat tanging pag ibig ang tinulak

Dating mga praning ngayon ay ang titino na

Mala shiva mala buddha malaki ang tinamong galos

Bago marating ang kamalayang ganito

Pare wag kang malito kung bat kami ganito

Kalmado natatamo kahit hindi nakadamo

Masdan mo sa mata mo imahe ng panginoon

Sa makabagong panahon walang iba kami na yun

Ugh hindi napagod mag isip

Dito matatalo sino unang mainip

Walang kasiguraduhan ang byahe pag atat

Ngayon tila lobong nabitawan aming pag angat

'Di na maaawat sino mang pumigil

Pag umabante na kasalanan ng tumigil

Dami mang balakid pag hinto wag mong balakin

Kasama mo salain ng lagay 'di alanganin

Samahan ng dalangin doblehin lagi galaw

Kung kailangan gapangin ay hindi ito aayaw

Hanggang sa matanaw ko ang lahat ng nais

Pagdating sa tuktok sulit lahat ng pawis

Kaya iaabot ko ang aking mga kamay

Bilang kuya silbi ko maging isang gabay

Kasi naging ligaw din buti na itama

Salamat sa umakay mundo sakin nakisama

Ugh inumaga na hanggang may mapala

Tingnan mo ideya namin gumagana na

Madapa mada yung dating pakapa kapa

Ngayon ay pasampa sampa yung dating pakaba kaba

Pasensya na kung kailangan namin na mang iwan

Hindi na namin kasalanan ayaw nyo umusad

Pangarap kinilusan sarili pinuhunan

Sarili ang makikinabang sa pinag pawisan

Ugh inumaga na hanggang may mapala

Tingnan mo ideya namin gumagana na

Madapa mada yung dating pakapa kapa

Ngayon ay pasampa sampa yung dating pakaba kaba

Pasensya na kung kailangan namin na mang iwan

Hindi na namin kasalanan ayaw nyo umusad

Pangarap kinilusan sarili pinuhunan

Sarili ang makikinabang sa pinag pawisan