menu-iconlogo
logo

Kalmado Part 1

logo
Lyrics
Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (8 Beats)

Ooh

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (uh, 'lam n'yo na)

(Omar Baliw) ooh

Ibang klase pagkadali, balikang malalagari

Utak ang palalakarin, bitawan, mga bagahe

Pasensiya, pahahabain, ang plano, pagaganahin

Lahat ay makakakain, salamat, mapapa-"Amen"

Sagadan hanggang sa dulo, tiyaga kung mayro'n mang tulo

Bitaw, palaging todo, sigaw ay nasa tono

Ikaw lang din kikilos, ikaw mismo kukuha

Sila 'yung manghihila, sila din manghihina

Walang makakaawat hanggang sa makalapit

Sariling biyahe, lakad, hindi lang nakasabit

Hindi pa man makuha, at least ay sinubukan

Sagot ay laging hanap, hindi ko sinukuan

Minsan ay tinutulan, kaya ko tinutukan

Pag-asa, tinubuan, lahat 'yan, tinuruan

Lakbay, kahit walang kasabay, sumakay

Kahit kailan, 'wag kang matakot sumablay

Sige lang, sige lang (yeah, yeah, uh)

Tuloy lang sa pagbibilang, bibilang (yeah)

Sige lang, sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang, yeah, yeah

Eto ang aking gitnang daliri

Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan

Kaysa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado (kalmado)

'Wag nang bigyang-pansin 'yan

Tuloy lang sa gawain, 'wag magpalinlang

Sa mga tuso't 'di ka dapat mailang

Tatagan mo lang at maging kalmado (kalmado)

Balewala, mga tira ng palengkerong aligaga

'Di ako interesado sa market n'yong pangtalipapa

Daming dada, 'lang ginawa kundi manghila paibaba

Pare, sukat na ang narra para sa inyong parihaba

Sadyang maingay ang mga nakatali na aso

Lalo na 'pag hindi pinapakain ng amo

Nanggagalaiti ang mga feeling mas gago

Samantalang ako'y nananatiling kalmado

Galit-galitan sa opinyon ko't pakiramdam

'Di ako mainit, 'di man lang ako lumigamgam

Bakit ako magagalit? Nasabi na sa 'kin dati 'yan

Mas masakit kasi kalaban n'yo'y walang pakialam

Alam kong gusto n'yo lang naman ay magka-views kayo

'Di magpapaaning sa mga kabobohan n'yo

Kasi mas matagal kang darating sa paroroonan mo

Kung babatuhin mo lahat ng aso na kakahol sa 'yo

Sige lang, sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang, bibilang (yeah)

Sige lang, sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang, yeah, yeah

Eto ang aking gitnang daliri

Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan

Kaysa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado (kalmado)

'Wag nang bigyang-pansin 'yan

Tuloy lang sa gawain, 'wag magpalinlang

Sa mga tuso't 'di ka dapat mailang

Tatagan mo lang at maging kalmado (kalmado)

Eto ang aking gitnang daliri (yeah, uh)

Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan (yeah, uh)

Kaysa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado (kalmado)

'Wag nang bigyang-pansin 'yan (yeah, uh)

Tuloy lang sa gawain, 'wag magpalinlang (yeah, uh)

Sa mga tuso't 'di ka dapat mailang (yeah)

Tatagan mo lang at maging kalmado (kalmado)

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (oh-oh)

Ooh (yeah)

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (kalmado lang)

Kalmado lang (oh-oh)

Ooh (yeah)