menu-iconlogo
logo

Kalmado Part 1 (feat. Loonie & Rhyne)

logo
Lyrics
Kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang

Kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang

Ibang klase pagkadale balikang mala-lagare utak ang palalakarin bitawan mga bagahe

Pasensya pahahabain ang plano pagaganahin lahat ay makaka-kain salamat mapapa-amen

Sagadan hanggang sa dulo tiyaga kung meron mang tulo

Bitaw palaging todo sigaw ay nasa tono ikaw lang din kikilos ikaw mismo kukuha

Sila yung manghihila sila din manghihina walang makakaawat hanggang sa makalapit

Sariling byahe lakad hindi lang nakasabit hindi pa man makuha atleast ay sinubukan

Sagot ay laging hanap hindi ko sinukuan minsan ay tinutulan kaya ko tinutukan

Pag-asa tinubuan lahat yan tinuruan lakbay kahit walang kasabay sumakay

Kahit kelan wag kang matakot sumablay

Sige lang sige lang tuloy lang sa pagbibilang sige lang sige lang tuloy lang sa pagbibilang

Eto ang aking gitnang daliri saluhin sa kada sambit ng aking pangalan kesa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado 'wag na bigyang pansin 'yan (kalmado)

Tuloy lang sa gawain 'wag magpalinlang sa mga tuso't di ka dapat mailang

Tatagan mo lang at maging kalmado (kalmado)

Balewala mga tira ng palengkerong aligaga 'di ako interesado sa market n'yong pang talipapa

Daming dada 'lang ginawa kundi manghila paibaba

Parisukat na ang narra para sa inyong parihaba sadyang maingay ang mga nakatali na aso

Lalo na pag hindi pinapakain ng amo nanggagalaiti ang mga feeling mas gago

Samantalang ako'y nananatiling kalmado galit galitan sa opinyon ko't pakiramdam

'Di ako mainit 'di manlang ako lumigamgam bakit ako magagalit nasabi na sa'kin dati yan

Mas masakit kasi kalaban nyo'y walang pakialam

Alam kong gusto nyo lang naman ay magka-views kayo

'Di magpapaaning sa mga kabobohan nyo kasi mas matagal kang darating sa paroroonan mo

Kung babatuhin mo lahat ng aso na kakahol sayo

Sige lang sige lang tuloy lang sa pagbibilang bibilang

Sige lang sige lang tuloy lang sa pagbibilang yeah yeah

Eto ang aking gitnang daliri saluhin sa kada sambit ng aking pangalan kesa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado 'wag na bigyang pansin 'yan (kalmado)

Tuloy lang sa gawain 'wag magpalinlang sa mga tuso't di ka dapat mailang

Tatagan mo lang at maging kalmado (kalmado)

Eto ang aking gitnang daliri saluhin sa kada sambit ng aking pangalan kesa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado 'wag na bigyang pansin 'yan (kalmado)

Tuloy lang sa gawain 'wag magpalinlang sa mga tuso't di ka dapat mailang

Tatagan mo lang at maging kalmado (kalmado)

Kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang

Kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang kalmado lang yeah

Kalmado Part 1 (feat. Loonie & Rhyne) by Omar Baliw - Lyrics & Covers