Sadyang kaybuti ng ating panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila man
Ng ating pagkukulang
Biyaya niya'y patuloy na laan
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy siyang magbibigay tanglaw
Kaya't sa puso ko't damdamin
Katapatan niya'y aking pupurihin
Dakila ka o diyos tapat ka ngang tunay
Magmula p sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man maasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Kaya o diyos kita'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang iyong katapatan
Pag ibig mo'y walang hanggan
Dakila ka o diyos tapat ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man maasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Dakila ka o diyos sa habang panahon
Katapatan mo'y matibay n sandigan
Sa bawat pighati tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag asa kung
Kaylanga'y hinahon
Pag ibig mo'y alay sa'min
Noon hanggang ngayon
Dakila ka o diyos!