Pag ibig ang siyang pumukaw
Sa aking puso at kaluluwa
At siyang nagturo sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag asa
Pag ibig ang siyang buklod natin
'Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa, tayo'y isa lamang
Kahit na tayo ay magkawalay
'Pagkat ang Diyos nati'y
Diyos ng pag ibig
Magmahalan tayo't, magtulungan
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayo na nagmamahal
Sikapin sa 'ting pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag ibig ng Diyos na siyang sumakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo
'Pagkat ang Diyos nati'y
Diyos ng pag ibig
Magmahalan tayo't, magtulungan
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayo na nagmamahal