Bakit kaya sa bawat saglit
Ikaw ang palaging nasa isip
Kahit maging sa 'king pag-idlip
Ikaw ang laman ng panaginip
Di ko malaman ang aking gagawin
Pag nakita ka saki'y parang langit na rin
Di ko magawang pigilin tibok ng damdamin
Ikaw ang nais makapiling
Ito kaya'y pag-ibig na kaya ang puso ko'y nangangamba
Baka ikaw saki'y maagaw ng iba
Nadarama'y ibang-iba kapag nakakausap na kita
Ito kaya'y sadyang pag-ibig na

Marahil ay napapansin mo na
Ligaya ko'y ang makasama ka
Ito kaya'y pag-ibig na kaya ang puso ko'y nangangamba
Baka ikaw saki'y maagaw ng iba
Nadarama'y ibang-iba kapag nakakausap na kita
Ito kaya'y sadyang pag-ibig na
Ito kaya'y sadyang pag-ibig na