Ang pangarap ko'y nagmula sa 'yo
Sa 'yong ganda ang puso'y 'di makalimot
Tuwing kapiling ka tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa 'yong mga mata
Ang saya nitong pag-ibig
Sana ay 'di na mag-iiba
Ang pangarap ko ang 'yong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa 'kin ng tunay
At ng tinig mo'y parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala
Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo na noong sinabi mong...
Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin
Ang pangarap ko