Nang mawalay ka sa aking puso
Kung bakit hanap-hanap ka pa
Ang 'yong mukha'y lagi
Lagi na lamang sa isipan ko
Bakit 'di magawa nitong damdamin
Ang paglimot sa mga nagdaan
Sadya nga bang ganyan
Pagmamahalan di matatakasan
Nais ko'y makapiling kang muli
Nais ko'y mayakap kahit na sandali
At kung pangarap mo'y tatanggapin ko
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Nangungulila sa bawat sandali ikaw ang hanap
Makamit ang iyong patawad
Magsisilbi na lang bang pangarap
Lagi akong umaasa na magbabalik ka pa
Tamis na yakap
At halik mo ay lagi ko naaalala
Di ko maibsan
At di ko makayanan ang lahat
Lalong lumalala, tumitindi
Lalong bumibigat
Sinubukan kong dayain ang sarili ko sayo
Ngunit hindi ko magawa
Lagi nalang akong bigo
Sa paghingi ko ng patawad
Ay hindi mo ko pansin
Ano ba ang dapat kung gawin
Upang ako'y iyong dinggin
Ikaw ang nais makasama
At wala na ngang iba
Ikaw ang nais makasama habang buhay ko sinta
Wala ng hihilingin pa
Kundi ang magbalik ka sakin
Ang iyong pagkawala
Sa sarili ko'y di pa rin maamin
Hanggang ngayon ay
Mahal na mahal parin kita
Bakit di pagbigyan
Ang puso ko'y nahihirapan na
Nais ko'y makapiling kang muli
Nais ko'y mayakap kahit na sandali
At kung pangarap mo'y tatanggapin ko
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Isang tanong na hindi ko masagot
Parang bituwin na hindi ko maabot
Ganyan ko ipaliwanag
Ang lahat ng nadaramang sakit
Di ko maintindihan kung ba't laging nakadikit
Sa bawat sandaling nagiisa nalang ako sa kwarto
At nakatingin sayong larawan na ipinakwadro
Ay hindi ko mapigilan na hindi mapaiyak
Nagbabalik ang mga sandali na
Magkahawak ng kamay
Pilitin mang ibigay sa iba
Ang pagmamahal ko bakit
Sa tuwing nagiisa
Nasasabi ko na sana'y
Ikaw nalang ang kasama ko
Pangarap ko na balang araw ay mapangasawa mo
At makayakap mo
Tulad ng tayo noon
Ano ba ang nagawa
Bakit biglang nagkaganon
At sa paglipas ng taon
Hanggang ngayon dala-dala ko pa
Pagibig ko
Mananatili hanggang sakin pagtanda
Nais ko'y makapiling kang muli
Nais ko'y mayakap kahit na sandali
At kung pangarap mo'y tatanggapin ko
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Nais ko'y makapiling kang muli
Nais ko'y mayakap kahit na sandali
At kung pangarap mo'y tatanggapin ko
Ikaw pa rin ang iibigin ko