Ngayon sabihin mo sa akin 
Kung talagang ayaw mo na 
Para ang tulad mong babae malimot ko na 
Siguro nga sa akin hindi ka nababagay 
Siguro nga ibang lalake ang sayo'y naghihintay 
Pero kahit na maghihintay parin ako 
Umaasa parin sa iyong mga pangako na hindi mo ko iiwan 
Ano mang mangyari pero bakit sa iba ka nagpayari 
Oh d**n ang sakit kumikirot ang aking puso simula ng mawala ka 
Bumalik ang aking bisyo ano ba kasi ang pagkakamali ko sa iyo 
Liwanagin mo naman dahil ako ay litong lito 
Sana naman masaya kana sayong pasya 
Bumalik ka sakin kung sinasaktan ka niya 
Ang patuloy kang mamahalin 
The little thug ako ang sasalo kung ikay ay malaglag girl 
Sana'y maligaya ka na sa piling ng iba 
Kahit na sakin lumayo ka 
At sa awitin kong ito sana naman malaman mo na 
Akoy nagsusumamo sa iyo 
Habang palapit ang araw na ika'y mawawala 
Ang sakit sa aking dibdib na mangyayari ay hinanda ko na 
Alam ko nahihiya ka lang sabihin sa akin 
Na meron ka nang iba 
Kaya bago ka umalis sana pakinggan mo ang aking kanta 
Hindi mo na kailangan pang magtago at sa akin maglihim 
Hindi ako tanga lalong hindi ako manhid para 'di ko to mapansin 
At titiisin ko nalang ba ang luha 
Na sa mata mo ay pumapatak 
Sa tuwing naaalala kong wala kana 
Hindi ko na mapigilan ang umiyak 
Okay tanggap ko na ayaw mo na at alam kong sawa kana 
Kahit hindi mo man sakin aminin 
Halatang halata sayong mga mata 
Ang sundan ka at habulin ka 'di ko na kailangan pang gawin 
Masaya na ako kung nasaan ka man 
Tanggap ko na hindi kana sa akin 
At aking panalangin 
Na sana ay maging maligaya ka sa piling ng iba 
Para 'di ka saktan sana mahalin ka niya 
Sa pagdating ng mga panahon 
Na tayong dalawa ay magkikita pang muli 
Gusto ko lang malaman mo na ikaw at hindi ako ang nagkamali 
Anong sakit ang natanggap ko sa katulad mo 
Binigay ko naman ang lahat lahat lahat ng gusto mo 
Ano paba ang kulang bakit ako sinaktan iniwan mo nalang si mae 
At iyong pinalitan tandaan mo yan lahat ng ginawa mo sakin 
Pagmamahal ko sa iyo hindi ko wawasakin 
At mananatili sakin wala kang kapalit kahit 
Makita pa kita na meron kang kabet 
Oh sheet hindi nakatatak ang luha sa mata 
Sumaya kalang hindi narin ako magpapakita pa 
Iisipin ko nalang tayo ay magkasama 
Kahit sa kabila ng lahat meron tayong problema 
Sana'y maligaya ka na sa piling ng iba 
Kahit na sakin lumayo ka 
At sa awitin kong ito sana naman malaman mo 
Na akoy nagsusumamo sa iyo 
Ang hirap magsulat kapag umiiyak damang dama ko ang sakit 
Parang ang puso ko ay binibiyak 
At ang bigat ang bigat parang 'di ko matanggap 
Ang pagsama mo sa kanya ay hindi ko matiyak 
Bakit hindi man lang dumating sa akin ang tamang panahon 
Lagi nalang sumasalubong ang yong kahabag habag na sumbong 
Na kung saan ako'y pinapagalitan 
Nagagalit ka sa akin kapag ikay pinagsasabihan 
Tandaan mo hindi ako robot na 'di remote control 
Meron akong pusot isipan values at soul 
At bago pa man mawala at lumayo 
Nais kong malaman mo na wag sanang mangyari sayo 
Ginawa mo saking panloloko ah inaamin ko na akoy nasaktan 
Nahirapan parang sinaksak ng walang kamuwang muwang 
Na walang kalaban laban saan ba ko nagkulang 
Binigyan naman kita ng kalayaan 
Ngunit bakit binalik mo sakin ay kalungkutan 
Sana'y maligaya ka na sa piling ng iba 
Kahit na sakin lumayo ka 
At sa awitin kong ito sana naman malaman mo 
Na akoy nagsusumamo sa iyooh 
Sana naman malaman mo na akoy nagsusumamo saiyo