Kahit na matagal
Na tayong dalwa'y naghiwalay
At ngayo'y nilalakad mong altar
Ng may kasabay
Ang sabi mo nga, siya ang 'yong mahal
At ang nangyari sa atin
Di magtatagal, malilimot mo rin
Yan ang sabi mo sa akin
Ngunit pa'no na lang
Kung mapasyal kayo sa 'ting pasyalan
At masalubong mong mga taong
Ating mga naging kaibigan
Hahanapin nila dati mong kasama
Sasagot mo naman ay wala na siya
Malilimot mo ba kung
Laging nandyan ang alaala
Maaalala mo pa rin (Ang mga halik ko)
Maaalala mo pa rin (Ang mga yakap ko)
Maaalala mo pa rin
Maaalala mo pa rin
Sa pulot gata n'yo
Pa'no kung mapadpad kayo roon
Kung saan mabango at laging
Malamig ang panahon
Magugunita mo ang nakaraan
Punong puno ng saya at katatawanan
Mangingiti ka kapag iyong naalala
Ngunit sabi mo rin
Sa pagitan ng 'yong pagluha
Kahit di mo gusto
Ay kailangan nang lumayo ka
Ang sabi mo pa, mabuti na 'to
Malilimot mo, malilimot ko
Bakit kaya hanggang ngayon
Ay nasa isip kita
Maaalala mo pa rin (Ang mga halik ko)
Maaalala mo pa rin (Ang mga yakap ko)
Maaalala mo pa rin
Maaalala mo pa rin
Pagdaan ng panahon
'Pag limot na ang kahapon
Sigurado kong nandoon pa rin
Iniisip pa rin
Maaalala mo pa rin (Ang mga halik ko)
Maaalala mo pa rin (Ang mga yakap ko)
Maaalala mo pa rin
Maaalala mo pa rin
Maaalala mo pa rin (Ang mga halik ko)
Maaalala mo pa rin (Ang mga yakap ko)
Maaalala mo pa rin
Maaalala mo pa rin
Maalala mo pa rin ....