Gustuhin ko man
Na manatili sa ating bayan
Pero kailangan kong
ako ay mag lakbay..
Alang alang sa pamilya
mga anak at mga magulang
Upang magkaroon
Ng magandang buhay..
Masakit man para sa akin
ang malayo saking pamilya
Pero wala akong magagawa..
Akala nila masarap
Ang buhay abroad..
Nagtitiis sa hirap, pagod
Doble kayod..
Sabayan pa ng pangungulila
Sa naiwan mong pamilya
Dimo namalayan tumutulo
na ang iyong luha..
Kailangan kong maging masipag
Sa aking pinapasukan
Dahil takot akong mapagalitan
Minsan ako’y natataranta
Kapag ang Boss ko ay sumisigaw na
Bukang bibig pa naman n'ya ay
“YALA SURA SURA”
Pagdating ng sahuran
Ang sweldo kong
hinahawakan
kinabukasan resibo nalang
Ang naiwan..
Akala nila masarap
ang buhay abroad..
Nagtitiis sa hirap, pagod
doble kayod..
Sabayan pa ng pangungulila
Sa naiwan mong pamilya
Dimo namalayan tumutulo
na ang iyong luha..
Kapag meron akong karamdaman
Halos wala akong malapitan
Kapag may problema
Wala man lang, mapagsabihan..
Pero kailangan kong lumaban
Para sa aming kinabukasan
Anumang hirap
dapat aking malampasan
Pagkatapos ng aking kontrata
Ako'y sabik na makauwi na
Makakapiling ko na ulit
Ang aking pamilya
Cho:
Akala nila masarap
ang buhay abroad
Nagtitiis sa hirap, pagod
doble kayod..
Sabayan pa ng pangungulila
Sa naiwan mong pamilya
Dimo namalayan tumutulo
na ang iyong luha
Cho:
Akala nila masarap
ang buhay abroad..
Nagtitiis sa hirap, pagod
doble kayod..
Sabayan pa ng pangungulila
Sa naiwan mong pamilya
Dimo namalayan tumutulo na...
Ang iyong luha...
Narration:
Hindi lahat ng nag aabroad
ay minamalas,