Hindi ko na sana pinagmasdan
Ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa
Bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sayo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko.
Kaya ngayo'y laging gulong
Gulo ang puso ko't isipan
Araw gabi ay pangarap ka
At sa twina'y nababalisa
Dahil ba ang puso ko'y
Labis na umibig sa 'yo
Hanggang kailan matitiis
Ilihim ang pag ibig ko
Anu ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana'y unawain ang pusong sa yo'y baliw
Nais kung malaman mo na iniibig kita
Hindi ko na sana
Pinagmasdan ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa
Bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sayo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko.
Anu ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana'y unawain ang pusong sa yo'y baliw
Nais kung malaman mo na iniibig kita...