Hindi ko na sana pinagmasdan,
ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa,
bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko
hinde ako iibig sayo,
Ikaw pala ang aakit
sa puso ko
Kaya ngayo’y laging gulong gulo,
ang puso ko’t isipan
Araw gabi ay pangarap ka,
at sa tuwina’y nababalisa
Dahil ang puso ko’y
labis na umibig sayo
Hanggang kailan matitiis
ilihim ang pag ibig ko
Ano ang gagawin
sa utos ng damdamin
Para bang hangin
na kay hirap pigilin
Sanay unawain
ang pusong sayo’y baliw
Nais kong malaman mo
na iniibig kita.
Hindi ko na sana pinagmasdan
ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa,
bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko
hinde ako iibig sayo,
Ikaw pala ang aakit
sa puso ko
Ano ang gagawin
sa utos ng damdamin
Para bang hangin
na kay hirap pigilin
Sana’y unawain
ang pusong sayo’y baliw
Nais kong malaman mo
na iniibig kita
Nais kong malaman mo
na iniibig kita.