DiKiams University
requestedsong by Mancho Salamat
Tinanggap mo ang tulong ko
At nalimot mo siya
Sumariwa ang buhay mong lantang lanta na
At aking nadama na ikaw ay masaya
Lalo na't kung tayong dalawa'y magkasama
Pagka't ito ay utos ng
Pusong nagmamahal
Di ko kayang pigilan ang
Aking nadarama
Buong tapat sinabi kong
Iniibig kita
Nabigla ka at ikaw ay lumuha
Magkapatid lamang ang turing mo sa akin
Yan ang malungkot mong sagot
Sa aking hangarin
Bagay na hindi ko sukat akalain
Akala ko ako'y mahal mo rin
Ang masakit na nangyari
Umibig ka sa iba
Mahal mo siya pagkat lagi mo
siyang kasama
Ang tulong ko'y nagdulot sakin
ng hinagpis
Pagkat ang puso ko'y
ngayon ang nagtitiis
Magkapatid lamang ang turing mo sa akin
Yan ang malungkot mong sagot
Sa aking hangarin
Bagay na hindi ko sukat akalain
Akala ko ako'y mahal mo rin
Pagkat ito ay utos
Ng pusong nagmamahal
Di ko kayang pigilan ang aking nadarama
Buong tapat sinabi kong iniibig kita
Nabigla ka at ikaw ay lumuha
Magkapatid lamang
Ang turing mo....
...sa akin ....