menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Napakasakit Kuya Eddie

Roel Cortezhuatong
ranelsvhuatong
Lyrics
Recordings
Ako'y naririto Nagbabanat ng buto

Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano

Anong hirap talaga ang kumita ng pera

Kakapal ang yong kamay Masusunog pa ang kulay

Sa aking pagtulog Ang daming iniisip

Bumilis na ang araw upang ako'y makabalik

Itinigil ang bisyo

Alak sugal sigarilyo Upang makaipon magtitiis na lang ako

Napakasakit Kuya Eddie

Ang sinapit ng aking buhay

Napakasakit Kuya Eddie

Sabihin mo kung ano ang gagawin

At ako ay natuwa Sumulat ang aking anak

Ako ay nabigla at agad ay lumuha

Itay umuwi ka dalian mo lang sana

Si inay ay may iba

Nagtataksil sa yo ama

Napakasakit Kuya Eddie

Ang sinapit ng aking buhay

Napakasakit Kuya Eddie

Sabihin mo kung ano ang gagawin

At ako ay umuwi gabi na nang dumating

Ang dal'wa naming anak

Sa malayo nakatingin

Mata'y namumula halos nakapikit na

Ang kanilang kamay may hawak na marijuana

Ngunit ang masakit ako'y nagtaka

Dalawa naming anak bakit ngayon ay tatlo na

Mahal kong asawa

May kasama na s'yang iba

Ang lupit naman dala pa ang aking pera

Napakasakit Kuya Eddie

Ang sinapit ng aking buhay

Napakasakit Kuya Eddie

Sabihin mo kung ano ang gagawin

Napakasakit Kuya Eddie

Ang sinapit ng aking buhay

Napakasakit Kuya Eddie

More From Roel Cortez

See alllogo

You May Like

Napakasakit Kuya Eddie by Roel Cortez - Lyrics & Covers