Hindi ko na sana pinagmasdan,
Ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa,
Bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko
Hindi ako iibig sayo,
Ikaw pala ang aakit
Sa puso ko
Kaya ngayo’y laging gulong gulo,
Ang puso ko’t isipan
Araw gabi ay pangarap ka,
At sa tuwina’y nababalisa
Dahil ang puso ko’y
Labis na umibig sayo
Hanggang kailan matitiis
Ilihim ang pag ibig ko
Ano ang gagawin
Sa utos ng damdamin
Para bang hangin
Na kay hirap pigilin
Sanay unawain
Ang pusong sayo’y baliw
Nais kong malaman mo
Na iniibig kita...
Kailangan pa bang ako ay tanungin
Kailangan pa bang sa 'yo ay bigkasin
Na mahal kita at wala nang iba
Masdan mo't makikita sa aking mga mata
Kailangan pa bang ako ay lumapit
At sabihin sa 'yo ang laman ng dibdib
Na mahal kita at wala nang iba
Masdan mo't makikita sa aking mga mata
Hindi na kailangang ako ay tanungin
Hindi na kailangang sa 'yo ay bigkasin
Sa tuwing magtatama ang ating paningin
Sa mata makikita ang aking damdamin
Halata ang lungkot
Sa'yong mga mata
Kahit di sabihin mo'y
Aking nadarama
Ang paglayo niya'y
Huwag mong ipagdamdam
Mabuti nga' t
Nalamang sya'y salawahan.
Karamay mo ako
Kahapon at ngayon
Asahan mong bukas
Ako'y naroroon
Naroroon ako
Hanggang ako'y buhay
Katulong mo't
Sa iyo ay nagmamahal.
Tutulungan kitang
Malimot mo sya
Ibabalik ang dati mong sigla.
Aking gagamutin
Puso mong sinugatan
Sugat na dulot nyang
Salawahan.
Halata ang lungkot
Sayong mga mata
Kahit di sabihin mo'y
Aking nadarama.
Ang paglayo niya'y
Huwag mong ipagdamdam
Mabuti nga't nalamang sya'y
Salawahan.
Tutulungan kitang
Malimot mo sya
Ibabalik ang dati mong sigla
Aking gagamutin
Puso mong sinugatan
Sugat na dulot nyang
Salawahan
Kay rami ng pag ibig
Ang aking nakilala
Naghahanap ng tunay
Na pagmamahal at ligaya.
Akala ko ang puso ko
Ay mahihimbing na lamang
Ngunit itoy ginising
Ng iyong pagmamahal.
Iba ka sa lahat
Na aking nakilala
Iminulat mo ang isip ko
Sa ganda nitong mundo.
Nakita mo ang lunas
Sa aking kalungkutan
Iba ka sa lahat,
Iba ka kung magmahal
Hindi mo man sabihin.
Ito'y aking nadarama.
Pag ibig moy sadyang wagas
Nasa 'yong mga mata
Kagandahan mong panlabas
Sa aki'y di mahalaga
Kagandahan ng puso mo
Ang aking nakikita
Iba ka sa lahat
Na aking nakilala
Iminulat mo ang isip ko
Sa ganda nitong mundo
Nakita mo ang lunas
Sa aking kalungkutan
Iba ka sa lahat
Iba ka kung magmahal
Iba ka sa lahat
Iba k
Kung magmahal