menu-iconlogo
logo

Opm Medley

logo
Lyrics
Hindi ko na sana pinagmasdan

ang iyong ganda

At hindi na rin pinansin pa,

bawat ngiti mong may gayuma

Dahil sa akala ko

hindi ako iibig sayo

Ikaw pala ang aakit sa puso ko

Kaya ngayo'y laging gulong gulo

ang puso ko't isipan

Araw gabi ay pangarap ka,

at sa tuwina'y nababalisa

Dahil ang puso ko'y

labis na umibig sayo

Hanggang kailan matitiis

ilihim ang pag ibig ko

Ano ang gagawin

sa utos ng damdamin

Para bang hangin

na kay hirap pigilin

Sanay unawain

ang pusong sayo'y baliw

Nais kong malaman mo

na iniibig kita.

Bawat yugto ng sandaling

halos 'di ko alam

Naglalakbay ang diwa

sa ligayang nakamtan

Gamot na bawal

ay ayaw ko nang tigilan

Hinahanap hanap ko at inaasam

Oh, kay sarap ng buhay

Kung siya'y aking nalalanghap

Akala ko ang mundo

Ay wala nang katapusan

At nang ako ay magising

sa kasalanang nagawa

Kinabukasan ko ay nawala

Pangarap ko'y 'di maabot

Dahil sa bawal na gamot

Labis ko nang pinagsisihan

Ang aking kamalian

Labis ko nang pinagsisihan

Ang aking kamalian

halata ang lungkot

sa iyong mga mata

kahit di sabihin mo'y

aking nadarama

ang paglayo niya'y

huwag mong ipagdamdam

mabuti nga' t

nalamang sya'y salawahan.

karamay mo ako

kahapon at ngayon

asahan mong bukas

ako'y naroroon

naroroon ako hanggang

ako'y buhay

katulong mo't

sa iyo ay nagmamahal.

tutulungan kitang

malimot mo sya

ibabalik ang dati mong sigla.

aking gagamutin

puso mong sinugatan

sugat na dulot nyang salawahan.

halata ang lungkot

sayong mga mata

kahit di sabihin mo'y

aking nadarama.

ang paglayo niya'y

huwag mong ipagdamdam

mabuti nga't nalamang

sya'y salawahan.

tutulungan kitang

malimot mo sya

ibabalik ang dati mong sigla

aking gagamutin

puso mong sinugatan...

sugat na dulot nyang

salawahan...

tutulungan kitang

malimot mo sya

ibabalik ang dati mong sigla

aking gagamutin

puso mong sinugatan.

sugat na dulot nyang

salawahan...

malilimot mo sya....

tutulungan kita...

Malilimutan ko pa ba aking mahal

Ang maligayang araw nating nagdaan

Habang ako'y nag iisang nalulumbay

Ang ala ala ay ikaw

Ang ating suyuang walang kasing tamis

Sa gunita pala ay ubod ng pait

Ang nagtampong pag ibig mo'y di ko batid

Kung minsan pang magbabalik

Kaya wala nang nalabi sa dibdib ko

Kundi ang alaala ng pag ibig mo

Asahan mong hindi kana mawawala

Dito sa aking gunita

Malilimutan ko pa ba aking mahal

Ang maligayang araw nating nagdaan

Habang ako'y nag iisang nalulumbay

Ang alaala ay ikaw

Habang ako'y nag iisang nalulumbay

Ang alaala ay ikaw...

Habang ako'y nag iisang nalulumbay

Ang alaala.... ay ikaw.....