menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Putik

Sandwichhuatong
shmegan1huatong
Lyrics
Recordings
Sa ibabaw ng bubong

Nakita kong nagunaw ang mundo

Pumasok sa pinto ng hindi inimbita putik

Nilamon ang lamesa tv radyo at sofa putik

Alaala sa mga larawan putik

Naglaho nang hindi nagpapaalam putik

Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid putik

Kinain ang kama tukador cabinet sahig putik

Naubos ang mga sapatos at damit putik

Libro computer cd gitarang hindi maipagpapalit

Sa ibabaw ng bubong

Nakita kong nagunaw ang mundo

Sa ibabaw ng bubong

Nakita kong nagunaw ang mundo

Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh

Oh ooohh

Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada putik

Inanod ang palengke at lahat ng paninda putik

Nagpatong- patong truck jeepney at kotse putik

Buong bayan nagkulay tsokolate putik

Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip

Inalay ang sarili at lumusong sa panganib

Buti na lang naiakyat si lola

Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya

Sa ibabaw ng bubong

Nakita kong nagunaw ang mundo

Sa ibabaw ng bubong

Nakita kong nagunaw ang mundo

Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh

Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh

Nagunaw ang mundo

More From Sandwich

See alllogo

You May Like