Nang ikaw ay niligawan ko ika'y nag-iisa
Nung ako ay sinagot mo tayo'y naging dalawa
Pero di ka nakuntento na ikaw lang at ako
Kaya nagkaron ng sya at tayo'y naging tatlo
Sabi ko na nga ba tama aking hinala
Ang pagkakamali ko sayo ay nagtiwala
Pagmamahal ko dapat di binigay sayo
Kasi gusto mong relasyon yung tipong may triangulo
Ang gulo diba ng pinasok nating sitwasyon
Sabi mo sa mga manloloko ay bwesit ka dun
Tanong ko lang sayong sarili ba ay bwesit ka na
Kasi sa mga manloloko isa ka din pala
Hindi ako galit o nagseselos dyan sayong iba
Kasi parehas lang naman kaming iyong nabiktima
Pero hindi kita iiwan kasi nga mahal kita
Hindi ako tanga ako ay umiibig lang diba
Hibang kana salot kapa bakit minahal kita
Tinuruan mo akong masanay mag-isa
Itanong mo sa katabi mo na payag ka ba
Kasi ang alam mo lang ay magmahal ng dalawa
Kaya pala nung mga ibang lumipas na gabi
Umaga ka na kung umuwi kasi may katabi
Kang iba dalawa kming iyong tinitikman
t*****a nang gigigil ako pag tinitingnan
Sa mata ang katulad mong mahilig mang api
Sama ka sa listahan ng mga makakati
Patawa at nakakatawa ka na nilalang
Dalawa pa kailangan mo para sumaya lang
Wag ka ng palusot dahil huli ka na po
Malas mo kasama mo sya nung tayo'y nagtagpo
Paalam mo kayo ay lalabas ng kaibigan mo
Ayun pala kayo'y mamamasyal ng naibigan mo
Ngayong bistado na kita ano masaya kana
Na ako'y nasaktan mo habang sya ay kasama pa
Habang kayo'y nagsasaya ako naman ay puro luha
Dahil taong dalawa ang puso ang aking nakuha
Hibang kana salot kapa bakit minahal kita
Tinuruan mo akong masanay mag-isa
Itanong mo sa katabi mo na payag ka ba
Kasi ang alam mo lang ay magmahal ng dalawa
(Ihanda mo na ang pandama at pandinig mo)
Sana dalawa ang puso mo
Yan ang panalangin mo dahil ito ang gusto mo
Yung tipong saming dalawa ika'y naglilibang
Malungkot ka ba talaga o sadyang ika'y tigang
Sa umaga sakin ka sa gabi sa kanya ka
Pag nagkaroon ka pa ng iba hindi na ko magtataka
Kasi diba lahat kaming nagmamahal napagtripan
Dahil dyan ka magaling basta sa kalandian
Di na ko naniniwala sa iyong (mahal kita)
Kung mahal mo ko eh bakit naghanap ka ng iba
Paalam na at puputulin ko na ating koneksyon
Dahil ako ay tao at di pangdagdag sa koleksyon
Nang tulad mong hindi nakukuntento sa isang nilalang
Ang puso mo'y kasing lamig ng nyebe sa Antartica
Mahal kita ngunit iiwan na kita makati ka
Makati ka put@ngina ka !
Hibang kana salot kapa bakit minahal kita
Tinuruan mo akong masanay mag-isa
Itanong mo sa katabi mo na payag ka ba
Kasi ang alam mo lang ay magmahal ng dalawa
Hibang kana salot kapa bakit minahal kita
Tinuruan mo akong masanay mag-isa
Itanong mo sa katabi mo na payag ka ba
Kasi ang alam mo lang ay magmahal ng dalawa