Nilunok kong lahat at hindi na nagtira
Nang hiya sa dibdib ng ibigin kita
kahit na batid ko na mayroon kang iba
pag ibig ko'y ikaw parin sinta..
Kay pait kay pait ng aking nadama
nang aking lunokin ang hiya ko sinta
ang pag tawa't paglibak ay wla ng halaga
pagkat sadyang mahal parin kita
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
ngayong ako'y umibig sa iyo
malagkit mong tingin ay nabihag ako
kay haba, haba ng panahong dulot mo
ang ugat ng lahat ay pag ibig kong ito
kahit nong una'y ayaw ko sayo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
ngayong ako'y umibig sa iyo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
ngayong ako'y umibig sa iyo
ngayong ako'y umibig sa iyo