Nilunok kong lahat at hindi nagtira
Nang hiya sa dibdib ng ibigin kita
Kahit na batid ko na mayroon kang iba
Pag ibig ko'y ikaw pa rin sinta
Kay pait kay pait ng aking nadama
Ng aking lunukin ang hiya ko sinta
Ang pagtawa't paglibak ay wala ng halaga
Pagkat sadyang mahal pa rin kita
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
Na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok kung lahat ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo
Malagkit mong tingin ay nabihag ako
Kay haba haba ng panahong dulot mo
Ang ugat ng lahat ay pag ibig kong ito
Kahit nong una'y ayaw ko sa iyo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
Na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo
Nilunok kong lahat ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo
Ngayon ako'y umibig
Sa iyo