Kung minsan ang pangarap
Habambuhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa
Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin
ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y
naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan
ating ningning
Balutin mo ako ng hiwaga
ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang
kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging
bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang
paglaho mong pagtingin
Itago mo ako sa lilim
ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong
kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y
bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag
ng ating pag ibig
Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin
ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y
naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan
ating ningning
Balutin mo ako ng hiwaga
ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang
kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging
bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang
paglaho mong pagtingin
Itago mo ako sa lilim
ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong
kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y
bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag at
kislap ng ating pag ibig