Nais kong matulog
Ngunit di maka tulog
Sa pag iisip ang utak ko'y nabubugbog
Pahamak na pag ibig to
Ako'y gulong gulo
Tumatakbo ang oras ngunit
Gising pa rin ako
Nais kong mag sound trip
Ngunit brown out nga pala
Bwisit na ilaw to
Dumagdag pa sa problema
Kung hindi lang dahil sa kanya
Ngayon ay masaya
Minsan lamang kung ma inlove
Wala pang pag asa
Ayos lang kahit pa
Nasasaktan ang puso ko
Kung sino pang minamahal
Sya pa ang ayaw sayo
Totoong problema,
Ngingiti na lang ako
Kung sino pang minamahal
Siya pa ang ayaw sayo
Nais kong mag beer house
Ngunit kulang ang pera
Kaya't nagkakape na lang,
Dagdag pa sa kaba
Tutal wala namang dapat akong ikatakot
Dahil darating din ang araw
Siya'y aking malilimot
Hindi man siya nakuha
Sa iba ay tyatyamba
Basta't ako'y bahala na
Malimot lang siya...
Nais kong matulog
Ngunit di maka tulog
Sa pag iisip ang utak ko'y nabubugbog
Pahamak na pag ibig to...
Ako'y gulong gulo
Tumatakbo ang oras ngunit
Gising parin ako...
Ayos lang kahit pa
Nasasaktan ang puso ko
Kung sino pang minamahal
Sya pa ang ayaw sayo
Totoong problema,
Ngingiti na lang ako
Kung sino pang minamahal
Siya pa ang ayaw sayo
Ayos lang kahit pa
Nasasaktan ang puso ko
Kung sino pang minamahal
Sya pa ang ayaw sayo
Totoong problema,
Ngingiti na lang ako
Kung sino pang minamahal
Siya pa ang ayaw sayo