Meron Na Bang Iba 
( Kenu02) 
Mahirap bang pumili at magpasya? 
Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna? 
Kaya ngayon, 'di na kita makilala 
Kamusta ka na? 
Darating din sa akin, malilimutan kita 
Subukan mong pilitin, 
baka nga 'di tayong dal'wa 
Nanlalamig na damdamin, 
kay tagal mo kasing nawala 
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba 
Meron na akong iba 
Apat na buwan, marami pang hindi alam 
Pasensya na, umalis ng ganoon na lang 
Siguro nga, hindi ko 'to napagisipan 
At biglang lumayo 
Darating din sa akin, 
muling magiging akin ka 
Subukan mang pilitin, 
wag ka munang mawala 
Nanlalamig na damdamin, 
dito'y walang napapala 
Sa araw na umuwi na, 
meron ka na bang iba? 
Nasan ka nung kailangan ko ang yakap mo, 
Hinanap, ang puso mo ang tanging baon ko 
Sa langit, magsusulat na ng bagong yugto 
Handa 'kong maghintay, 
Sumulat sa 'king kamay 
Hindi ko rin akalain, malilimutan kita 
Subukan mang pilitin, 
(talagang 'di tayong dal'wa) 
Napagod na ang damdamin, 
kay tagal mong nawala 
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba 
Meron na akong iba 
(Meron ka na bang iba) 
Meron na akong iba