menu-iconlogo
logo

Nandito Lang Ako

logo
Lyrics
Napakadami ng ating pinagdaanan

Halos hindi na mabilang

Pero nandito pa rin tayo lumalaban

Patuloy pa rin tayo na lumalaban

Sa dilemma kahit na magkabilaan

Hindi mo ko iniwan nandyan ka pag kailangan ko

Sa tuwing nalulungkot

Kaya asahan mo na nandirito

Umaraw man o bumagyo

Ibibigay lahat sayo

Hangga't sa makakaya ko

Basta huwag ka lang mawala mawala

Kasama ka kasama ka

Hanggang sa ating pagtanda

Nandito lang ako

Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata

Nandito lang ako

Hindi na pababayaang muling mag-isa

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari

Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sayong tabi

Kahit wala akong liwanag na makita

Alam kong di mo ko hahayaang mag-isa

Kasi kakaiba ang iyong pinakita

Hirap at ginhawa sa puso't isipan mo

Di ako mawawala

Kaya asahan mo rin na di ako bibitaw at iwan ka

Kahit na magbago ka sa puso ko nag-iisa

Basta wag ka lang mawala

Hangga't sa aking pagtanda, Honcho!

Huwag ka mag-alala kapag na sa'kin ka

Di ko ipapadama na alanganin

Desisyon sa akin na ako ang iyong pinili na yakapin tinangay ng hangin

Papunta sa kung saan nadatnan, sinadya talaga tayo magtitigan

Kahit di kilala ika'y pinuntahan hanggang sa ito na tayo nagkaigihan

Huwag ka mag-alala asahan mo rin na tayo talaga hanggang sa huli

Na makasamang tumanda hanggang sa di na ko makatayo

Ikaw pa rin sa diwa ko

Nandito lang ako

Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata

Nandito lang ako

Hindi na pababayaang muling mag-isa

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari

Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sayong tabi

Hindi ko kayang mawala ka gusto kitang kasama

Ikaw ang nagbigay sakinng gana

Salamat hindi ka nagsawa na intindihin ako mahal kita

Huwag ka sakin maghihinala

Pasensya na kung minsan ako ay natatagalan

Atleast ginagawan ko ng paraan

Kasi wala akong masabi sa'king nararamdaman

Kapag kausap ka dibdib ko ay laging magaan

Naaalala mo pa ba yung mga sinabi mo sa'kin

Yung nag-away tayo halos ayaw mo kong kausapin

Wala akong magawa nung umuwi na lang sa amin

Naghintay baka sakaling pansinin at patawarin

Lahat ng yun alam ko na

Abot kita kaya lahat tinatanggap ko na

Hindi mo ba napupuna kahit galit ang nauna

Isang ngiti mo lang lahat lahat agad nabubura

Salamat dahil ako'y tinanggap mo ng buo

Hanggang huli na to wala ng bawian

Andito lang ako kasi nandyan ka lang

Hindi ka nawala sa aking likuran

Di na kita papakawalan

Nandito lang ako

Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata

Nandito lang ako

Hindi na pababayaang muling mag-isa

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari

Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sayong tabi

Nandito lang ako

Nandito lang ako

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari

Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sayong tabi