Noon Hanggang Ngayon - Spring Worship
Verse: 1
Sa bawat araw
Biyaya mo ay laging nararanasan
Walang oras na kami'y pinabayaan
Bawat sandali
Ikaw ay nariyan
Tapat ka ngang tunay
Verse: 2
Sa bawat araw
Pagibig mo ay laging nararanasan
Walang oras na kami'y iyong iniwan
Bawat sandali
Ikaw ay nariyan
Tapat ka ngang tunay
Pre-Chorus:
Kaya naman Oh Diyos
Wala kaming ibang nais
Kundi ang ibalik sayo
Ang lahat ng pagsamba
Chorus:
Walang hanggang papuri
Sayo iaalay
Walang hanggang pasasalamat
Sayo ibibigay
Napakabuti mo O Dios sa aming buhay
Mula noon hanggang ngayon
Di ka nagbabago, tapat kailanpaman.